History and Culture

Sa Likod ng #?BuwanNgMgaAkdangPinoy: Isang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

/user/choose.phils.9

Choose Philippines | Aug 03, 2015

Sa Likod ng #?BuwanNgMgaAkdangPinoy: Isang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

Sa panahon ngayon, social media na marahil ang isa sa mga pinakaepektibong paraan upang magpalaganap ng isang adbokasiya sa pamamagitan ng paggamit ng hashtag, share, at likes.

Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, ginamit ng may-akda na si Edgar Calabia Samar ang hashtag #‎BuwanNgMgaAkdangPinoy? upang himukin ang mas maraming mambabasa na bigyan-pansin ang mga akdang isinulat ng mga Pilipino hindi lamang sa Wikang Tagalog kundi sa iba't iba pang wika sa Pilipinas, isang patunay na mayabong ang Wikang Filipino.

Si Samar ang may-akda ng seryeng Janus Sílang at ng mga nobelang Walong Diwata ng Pagkahulog at Sa Kasunod ng 909. Siya ay tubong San Pablo, Laguna at nagtuturo ng panitikan at malikhaing pagsulat sa Pamantasan ng Ateneo de Manila. Siya ay aktibong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) at Filipinas Institute of Translation.

 

Simula bukas, punuin natin ang social media ng mga paborito nating akdang Pinoy! #BuwanNgMgaAkdangPinoy

Posted by Edgar Calabia Samar on Friday, July 31, 2015

 

Bukas, simula na naman ng Buwan ng Wika. Kung ano-ano na namang makikita sa social media at sa mundo sa labas nito para...

Posted by Egay Samar on Friday, July 31, 2015

 

Mula nang simulan niya ang personal na pagdiriwang sa Facebook, marami na ang lumahok at nagmistulang silid-aklatan ng mga bago at lumang mga akdang Pinoy ang social media.

Narito ang ilan sa mga ibinahagi mula po noong Agosto 1:

 

1) Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal

 

2) Mga Akda ni Tony Perez

Para sa unang araw ng #BuwanNgMgaAkdangPinoy, gusto kong itampok ang mga aklat ni Tony Perez. Malaki ang impluwensiya ng mga katha niya sa imahinasyon ko ng kababalaghan, at eksperimentasyon sa pagsasalaysay. Sa 13 ko nang pagtuturo sa Ateneo, walang semestreng walang kahit isang akda ni Perez sa mga klase ko sa Panitikan. Nasa kolehiyo pa ako nang pinag-ipunan ko ang Cubao Series niya, at hanggang ngayon, hindi nagbabago ang pagkamangha at pagkabagabag sa paggalugad niya sa mga kamalayan (at di-kamalayan) ng mga tauhan niyang natitigib ng iba’t ibang mukha ng takot at pagnanasa. Ngayon ko lang na-realize na hindi pa pala ako nakapagpapapirma ng kahit alin sa mga libro niya. Magkita sana kaming muli. Pero sa ngayon, mabasa sana ninyo ang mga akda niya. O kung nabasa na ninyo ang alinman sa mga ito, anong akda ni Tony Perez ang pinakapaborito ninyo?

A photo posted by ecsamar (@ecsamar) on

 

3) Mga Akda ni Lualhati Bautista

Pangalawang araw na #BuwanNgMgaAkdangPinoy pero ngayon pa lang kami magsisimula ni baba. Narito ang mga librong sinulat ni Lualhati Bautista. Highschool nang una kong nabasa ang gawa nya (sa isang Filipino worktextbook). Dahil sa mga gawa ng babaeng ito, nakintal sa akin ang kahalagahan at kapangyarihan ng isang babae mula sa loob ng tahanan hanggang sa lipunang ginagalawan natin. Namulat din ako sa panahong hindi ko naman naabutan pero dahil sa akda nya e parang sumakay ako ng time machine at naranasan ang lupit at hirap ng panahon na yon. Bago ko pa lang nabasa ang mga maiikling kwento nya, di naman ako nabigo. Lakas ng epekto. Tatlo na lang sa mga librong ito ang di ko nababasa, ikaw? Ano na ang nabasa mo na gawa na? Itampok ang binabasa/nabasa mo nang akdang pinoy at gamitin ang hashtag #BuwanNgMgaAkdangPinoy

A photo posted by Miss Clare (@clrslmngkra) on

 

4) Sa Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes

 

5) Mga Tula sa Cebuano (Mga Sugbuanong Balak)

Unya miabot ang kilumkilom,ug, ako sa hingpit nahisalaag,napilit na lamang sa pakig-ubanniadtong patayng kahilom,...

Posted by Rogelio Braga on Saturday, August 1, 2015

 

Ikaw? Anong akda ang babasahin mo ngayong Agosto? Ibahagi sa amin at gamitin ang hashtag #‎BuwanNgMgaAkdangPinoy!

 

 

Be a Pinoy Wanderer!

Choose Philippines encourages writers, photographers, travelers, bloggers, videographers and everyone with a heart for the Philippines to share their discoveries and travel stories.

Share Your Journey

Other Stories by Choose Philippines

Tell Us What You Think