Restaurants

Baguio sa Tag-ulan (Part 5): Magbasa sa Ilalim ng Puno

Baguio

Beverly Siy
Beverly Siy | Sep 15, 2015
Baguio sa Tag-ulan (Part 5): Magbasa sa Ilalim ng Puno

(Mga larawang kuha nina Bebang Siy at Ronald Verzo II.)

 

Mag-book trip sa Book Café Under the Tree!

Ito ay isang super cute na café na may library at matatagpuan ito sa likod ng Victory Liner Bus Terminal. Hindi ito madaling makita dahil nasa 2nd floor ito. Ang nasa ground floor ay Andok’s. Napaka-busy din ng kalsada kung saan naroon ang structure na kinalalagyan nito. 

At higit sa lahat, aakalain mo na luma na ang café dahil medyo sira-sira na ang signage niya sa labas.

Kaya magugulat ka kapag nahanap mo na ang daan papasok dito. May bubungad sa iyong historical marker. Makasaysayan pala ang building! Hay naku. E, ba’t nakatago?

So, two in one ang pagpasok mo sa café. Nakapag-book trip ka na, nakapag-historical tour ka pa. Sa loob, may makikita kang hagdan at charming na illustration tungkol sa café.

Ito naman ang sasalubong sa iyo pagkaakyat mo ng hagdan.

Tada! Isang coffee shop na punong-puno ng post it at sticky note! Lahat ng nakadikit ay mula sa members at customers nila. Wait, hindi lang sa pader nakadikit ang mga papel, there’s more. Hanggang kisame, o!

Ano naman ang mga nakalagay? Eto ang mga sample.

Mayroon ding art work.

At meron ding nag-iiwan ng picture. Say “read!”

Narito naman ang library. Hurrah for book lovers!

Sa cafe/library na ito, makakahiram ka ng libro at maiuuwi mo ang libro kung member ka nila. P100 lang ang membership fee. At kapag member ka, may discount ka na, may gift coupon ka pa.

Grabe, ang saya di ba? Pero anong catch? Puro Korean ang aklat. 

Joke lang. May English books din naman. Ito ang prized collection ng Book Café Under the Tree: Twilight series.

Maglaro ng board games at iba pang laruan.

Pag nagutom, puwedeng umorder ng pagkain at inumin sa counter.

Tingnan ang kanilang menu.

Ang cute, di ba? Very artistic. Pati ang ref nila, may art din.

Subukan ang kanilang Large Strawberry Smoothie. P80.  Ang sarap.

May private room nga pala sila. Para daw ito sa mga gustong mag-meeting, etcetera.

Take off your shoes!

Maliit lang, ano? Tapos mababa pa ang table. Pang-Korean talaga. Pero at least, kung kayo ay isang grupo na nangangailangan ng kaunting privacy, puwede kayo rito sa Book Café Under the Tree.

Puwede rin kayong mag-iwan ng note tulad ng ginawa namin.

Puwede ring mag-photo op sa nakakatuwang illustration sa pader. (Kung nakita namin ito dati, bago kami ikasal, baka nag-prenup shoot kami rito, tamang-tama kasi para sa aming book-themed wedding.)

Abangan sa susunod na kabanata ang iba pang puwedeng gawin sa Baguio ngayong rainy days.

 


Basahin:

1) Baguio sa Tag-ulan (Part 4): Ukay-Ukay ng Libro?

2) Baguio sa Tag-ulan (Part 3): Magdasal sa Wikang Hebrew

3) Baguio sa Tag-ulan (Part 2): Ano ang Kulay ng Pink Sisters Convent?

4) Baguio sa Tag-ulan (Part 1): Flower-hunting sa Baguio Cathedral

 

Where on Earth is Baguio City?

It is located in the province of Benguet in Northern Luzon.
(Courtesy of Google Maps.)

How to Get There

Baguio is a 4 to 7-hour bus ride from Manila, with the travel time depending on the schedule of the trip you’ll take from Cubao, Quezon City or Pasay City. It is best to leave around midnight to arrive just in time for the sunrise at Mines View Park.

Option 1: Victory Liner - First Class

  • has no stops
  • 4-5 hours
  • 10:15am / 12:20pm / 8:15pm / 11:15pm
  • PhP 750

Option 2: Victory Liner - Regular A/C Bus

  • has two stops
  • 6-7 hours
  • leaves every hour, 24 hours
  • PhP 450
Add to your: Wishlist Done That

Be a Pinoy Wanderer!

Choose Philippines encourages writers, photographers, travelers, bloggers, videographers and everyone with a heart for the Philippines to share their discoveries and travel stories.

Share Your Journey

Other Stories by Beverly Siy

Tell Us What You Think