Heritage Sites

Baguio sa Tag-ulan (Part 3): Magdasal sa Wikang Hebrew

Baguio

Beverly Siy
Beverly Siy | Sep 08, 2015
Baguio sa Tag-ulan (Part 3): Magdasal sa Wikang Hebrew

(Mga larawang kuha nina Bebang Siy at Ronald Verzo II.)

 

Ito ‘yong dating Diplomat Hotel. Bukod sa ruins ng Diplomat Hotel, makikita rin dito ang isang chapel.

BASAHIN DIN: 10 Reasons Why You Should Choose Baguio (Love + More Love)?

Ito na yata ang pinakamalaking Ten Commandments na nakita ko sa buong buhay ko. Ito ang nagsisilbing pader ng chapel.

Ito naman ang bubungad sa lahat ng papasok:

 

Subukang basahin ang iba’t ibang katawagan sa Diyos sa wikang Hebrew.

Noong nagpunta kami rito, may naratnan kaming nagsisimba. They were all wearing white clothes at may tali pa sila sa ulo. Isang babaeng nakaputi ang nagsasalita sa harap. Aatras na sana kami kaya lang, kaming mag-asawa ay binati ng babaeng nasa harap, pinaupo niya kami sa may bandang likuran. Sa hiya namin, sumunod naman kami. Tapos tinanong niya kung ano-ano ang mga wish ng bawat isang naroon.

Iba-iba siyempre ang sagot ng mga kasama namin. Most of the teenagers answered better grades, maka-graduate at iba pang school related wishes. Ang sa matatanda: magandang trabaho, magandang negosyo at kalusugan. Noong ako na ang tinanong, sabi ko, magandang school para sa anak namin. Sabi ng babaeng nakaputi, ilang taon na ang anak mo? Sabi ko, magka-college po. Sabi niya, a, matagal na kayong kasal? Sabi ni Poy, ilang buwan pa lang po. Hindi nakapagsalita ang babae. Hindi na rin kami nagpaliwanag. (It’s complicated, hahaha!)

Nagpasalamat ang babae sa lahat ng naroon pagkatapos sabay-sabay na tumayo ang mga tao at naghubad ng puting damit, tinanggal din  nila ang kanilang tali sa ulo. Pinapirma kami ng babae sa isang guest book. Pumirma naman kami. Sa tabi ng guest book, may isang donation box. Natawa talaga ako. Ba’t nga ba hindi nawawala ang ganitong kahon sa lahat ng lugar ng pagsamba?

Anyway, up to you kung magsisilid ka ng pera sa kahon na iyon.

Abangan sa susunod na kabanata ang iba pang puwedeng gawin sa Baguio ngayong rainy days.

 


Basahin:

1) Baguio sa Tag-ulan (Part 2): Ano ang Kulay ng Pink Sisters Convent?

2) Baguio sa Tag-ulan (Part 1): Flower-hunting sa Baguio Cathedral

 

Where on Earth is Baguio City?

It is located in the province of Benguet in Northern Luzon.
(Courtesy of Google Maps.)

How to Get There

Baguio is a 4 to 7-hour bus ride from Manila, with the travel time depending on the schedule of the trip you’ll take from Cubao, Quezon City or Pasay City. It is best to leave around midnight to arrive just in time for the sunrise at Mines View Park.

Option 1: Victory Liner - First Class

  • has no stops
  • 4-5 hours
  • 10:15am / 12:20pm / 8:15pm / 11:15pm
  • PhP 750

Option 2: Victory Liner - Regular A/C Bus

  • has two stops
  • 6-7 hours
  • leaves every hour, 24 hours
  • PhP 450
Add to your: Wishlist Done That

Be a Pinoy Wanderer!

Choose Philippines encourages writers, photographers, travelers, bloggers, videographers and everyone with a heart for the Philippines to share their discoveries and travel stories.

Share Your Journey

Other Stories by Beverly Siy

Tell Us What You Think


Related Stories